|
Napakabigat ang issue laban sa Anvil Ensembles, Inc.,
isang garment factory sa Taytay, Rizal. Inaakusahan ito ng pagpapagamit ng
droga sa kanyang mga manggagawa upang hindi antukin habang nag-oovertime
upang mahabol nito ang production order na nagmula pa sa ibang bansa.
Hindi masama ang pagtupad ng mga production quota dahil dito nakasalalay
ang kredibilidad ng ating garments exporter. Ngunit maliwanag na masamang
palakaran na hindi patulugin ang mga factory worker dahil sa naghahabol ng
order mula sa kliyente.
Alam ng namamahala ng Anvil ang production capacity ng kanilang mga tauhan
kaya dapat humingi sila ng angkop na deadline upang ma-deliver ang order
na hindi na kailangang pagtrabahuin ang mga tauhan nila ng tuloy-tuloy
hanggang 72 hours.
Kaya tama lamang ang ginawa ni Trade and Industry Secretary Mar Roxas na
isailalim sa masusing monitoring ang Anvil. Maliwanag na exploitation ang
ginawang ito ng Anvil na maaaring magresulta sa kapahamakan. Ang
pagpapa-inom ng mga medisina na walang pagsang-ayon o supervision ng
doctor ay maaaring magdulot ng kapahamakan. Parang ginawang robot ng
Anvil ang mga manggagawa nito.
Inaasahan natin na patawan ni Secretary Roxas ng nararapat na parusa ang
mga may-ari at namamahala ng Anvil. Patunayan mo Secretary Roxas na hindi
kayo na-aareglo o nasusuhulan tulad ng mga opisyal ng Department of Labor
and Employment na matagal nang pabaya sa tungkulin.
Maliwanag din sa mga reklamo ng mga Anvil worker na hindi tumutupad ang
kanilang employer sa minimum wage law at hindi rin ito nagre-remit ng
contributions sa Social Security System. Naipakita ng mga worker na
kinakaltasan sila ng SSS contributions. Ang tanong: Saan dinala ng
management ang pera ng mga empleyado?
Labor Secretary Patricia Sto. Tomas kumilos ka at tumigil sa kasisipsip
kay Lola Glo! Okey? |